Thursday, February 08, 2007

PATIKUL, SULU


Ito ang Baranggay Bonbon Patikul, Sulu. Ibang iba sa imahe na pumapasok sa isip natin sa tuwing naririnig ang lugar ng Jolo, Patikul, Panamao, Basilan at ibang bayan ng Sulu. Di ko kayo masisisi. Dito pinatay si Gene Boyd Lumawag, isang photojournalist. Dito naganap ang maraming pangingidnap ng mga bandidong Abu Sayaff. Dito kamakailan hinostage ng MNLF ang ilang opisyal ng gobyerno upang higit na mapabilis ang usapang pangkapayapaan.

Matagal na ang gyera dito. Di pa ako pinapanganak andito na ito. Laban ng Pilipino sa kapwa Pilipino. Subalit sa karamihan ng mga taong nakasalamuha ko rito, isa lang ang naisin nila. Sawa na sila sa gyera. Baka maaaring pagbigyan naman ang kapayapaan.

Sabi nga ng isang Marines na nakausap ko, "We're not winning the war here... We're winning the peace."

Dapat balikan ang Sulu. Para maipakita sa iba na maganda rito. Na may pag-asa pa. Na darating ang panahon na lahat ay mamumuhay na ng payapa.

No comments: